Sunday, March 31, 2013

Debutanteng dePUTAnte!

PASASALAMAT: Sa isang kaibigan na bagong miyembro ng Peanut butter room...
Thanks anteh Kelly http://the10things.blogspot.com/

____________________________________________




Lovely Morning Nutt Heads!!!

I'm so fucking ranting for the past 2 days.... Ranting na idinadaan ko na lang sa tawa ang kagaguhan ng isang mapagkunwaring nilalang... Pasalamat ka hindi kita kilala personally dahil kung nagkataon.... may pektus ka sa akin! And since hindi naman tayo magkakilala eh ibabalik ko sa yo ang kagagahan mo!

Sabado. Nasa venue na kami ng 2nd PBO's program sa Bahay ni Maria (Laguna) na isang institution para sa mga matatanda. Mga lola... Groovy lolas....

Excited ako honestly kasi may ibang emotional trigger sa akin ang mga nanay and mga lolas, close kasi ako sa nanay ko and sa lola ko kaya medyo may kurot sa puso ko ang eksena sa Bahay ni Maria.

Maaga kaming dumating sa venue. konting chika kay sister Evelyn (happy ester ulit sa yo sester) na syang nag-orient sa amin about some lolas kung ano ang status nila, a little back ground, at kung anu-ano pang achuchuchu.
 

Nataon na may nauna pala sa aming isang grupo ng kabataan na affiliated sa CFC na nakatokang gumawa ng isang little program para sa mga groovy lolas.... and isa pala itong DEBUT na isinabay sa naturang program.. wish daw kasi ni DEBUTANT na i-spend ang kanyang debut sa Bahay ni Maria kasama ng mga lolas, na instead na gumastos sa kanyang vunggang cotillion eh why not nga naman na icelebrate na lang ang kanyang debut and at the same time eh nakatulong ka pa sa mga lolas ng Bahay ni Maria...HOW NOBLE RIGHT?

Mukhang okay naman ang naturang Debut con outreach program ng mga bagets. May kantahan, konting sayawan, ang pamosong 18 roses, may group perfomances din. Syempre hindi din mawawala ang cake. Ang pag blow sa candle kasabay ng wish.

Nasa kalagitnaan kami ng program ng medyo nag-attitude si lola Emelia na binabantayan ko. Dumadaing sya na gusto nya daw ng pagkain. So search ako ke sister Evelyn na sobrang busy that time kaya hindi ko na sya nakausap or humingi ng permission kung pwede ko bang pakainin ng kahit bread and juice si lola. Takbo agad akez sa pinakamalapit na tindahan para bumayla ng food trip ni lola. Ipinaabot ko ke Rix ang food para sya na muna ang magpakain ke lola Emelia. Past 2pm na ata nun, habang nagkakasayahan ang mga bagets eh lumapit sa akin si sister Evelyn saying na pwede na daw naming iserve sa mga lolas yung pagkaing dala namin. I asked sister kung okay lang bang iserve kasi I assumed na since may celebration namang nagaganap eh pinakain na nila ang mga matatanda. I also assumed na kung "pakakainin" namin ulit sina lola eh baka naman sila maempacho?




Automatic kaming nagsikilos para ipamahagi ang foods ng mga lolas, kanya kanyang pili ng lolang pakakainin at chichikahin para naman hindi masyadong boring ang feeding program. Kasabay ng aming pagpapakain ay unti-unting nagsilapitan sa amin ang mga bagets na nakijoin din sa pagtulong pakainin ang mga matatanda. Okay naman ang feeding program kasi natutuwa ako sa alaga kong si Lola Binay (i'll post my experience with lola B sa next entry ko) na ewan ko ba kung bakit napakagaan ng loob ko sa kanya.



HIHIMAYIN KO LANG KUNG BAKIT "RANTING" ANG PEG KO SA POST NA ITO.

1. Si ateng debutant eh kung anu-anong Godly words ang kinukuda sa start ng event na kesyo sobrang happy daw sya sa debut nya kasama ang mga lola ng Bahay ni Maria.

2. Debut mo teh, pero ni sundot-kulangot eh wala kang naipakain sa mga lolang sinasabi mong gusto mong tulungan?

3. Pinagmukha mong mga serbidor ng iyong Debut ang buong members ng PBO para palabasing sa yo nanggaling ang mga foods na dala ng group?

4. Na kesyo ang matatanggap mong regalo sa debut mo mula sa iyong kaberks eh idonate na lang sa mga lola? Ni anino ng sinasabi mong mga regalo eh hindi namin nakita?

5. Pinagod nyo ang matatanda ng very hard.... yung isang bilat mong kaberks eh pilit hinihila-patayo para sumayaw ng "chacha"? For crying out loud... naka wheel chair na ang lola.... kung makapanghila eh kala mo si Nancy Navalta lang ang hinihila mo para sumayaw?

6. Wag mong gamitin (sana) ang grupo mong relihiyoso para ipakita sa mga tao na nagmamagandang loob ka dahil sa totoo lang.... hindi ka na nakatulong.. nakaperwisyo ka pa!



7. Tama lang siguro na pati ang iyong cake eh bitbitin mong pauwi.. baka nga naman maging utang na loob pa ng Bahay ni Maria kung iiwan at ipapakain mo pa yang cake mo sa matatanda.

8. Ienjoy mo yang debut mo teh.. dahil last birthday mo na yan!!!!
(This Year.. ahehehehehe)...



AT DAHIL NAPAKAMATULUNGIN MONG HINAYUPAK KA.... IKA MO NGA...
"GIVE YOURSELF A CLAP!!!"....


SO HETO PARA SA YO TEH.... GUSTO KITANG ICLAP AT TAMPAL TAMPALIN YANG  DALAWANG PISNGI MO NG VUNGGANG VUNGGAH!!!



















Wednesday, March 27, 2013

Nese Ye Ne Eng Lehet.










 


















LOVELY AFTEE NUT HEADS!!!!



Last day of work kaya naisipan kong magpost ng pahabol na entry bago ko i-spend ang aking vacation. Isasagad ko na ang kasalanan ko tutal ireredeem naman ni Lord di ba?









 


Chika itez nung nagwowork ako as service crew (during my time feeling ko ang astig astig ng mga nagtatrabaho as service crew kaya nagjoin akez sa bandwagon) sa isang medyo sikat na fine-dine-in resto sa Galleria. Para naman sa security at para na rin mapangalagaan ang reputation ng reputable na putang resto eh itago natin sya sa pangalang....






Enjoy naman ang pagwowork ko sa KR, sa sobrang enjoyment nga halos naikot ko na ang buong stations ng resto. Ganun daw talaga sa mga fastfoods or restos, kapag magaling ka lahat ng stations eh talagang iikutin mo (ehem.... sensya na.. hambol ako eh.) if ever may plans kang maging store manager in the future.
Hindi ko naman gustong maging manager, okay na sa akin ang magkaroon ng experience(s) bilang service crew. Bukod kasi sa pagbebenta ko ng aliw, ligaya at laman eh naisip kong it's time na siguro para magwork naman ako sa legal na paraan.


Iba't-ibang kalokohan din ang natutunan ko sa work na yan.
AS IN!!!

Nagkaroon ako ng kaclose na gelay sa KR, batch mates kami, naging super close, at pangalanan na lang natin syang Liza...
Working student si Liza sa La Consolacion College samantalang ako eh wala ng balak tapusin ang aking studies kasi nga..... nabuntis akez ng di sinasadya (or sindaya ko talagng magpabuntis)... Kaya after ko manganak sa panganay namin ni Ronaldo Valdez eh go na akez sa pagbabanat ng buto.



Nagkasabay kami ng shift ni Liza one time, closing kaming pareho na bet naming shift kasi pwedeng mag-alak after work... hehehehe....

Isa sa mga kalokohan ng mga crews lalo na pag closing eh yung mga tirador ng kung anu-anong pagkain. Mga left overs (yung mga hindi naibentang foods) eh itinatapon kaagad sa basurahan. BAWAL na BAWAL ang kumain ng kahit anong left overs maliban na lang kung mismong store managers ang mag-alok sa yo or kung talagang magaling kang simplehan ang pagkain.

Natoka ako sa kitchen samantalang si Liza naman eh sa dinning. Kanya kanya kaming kilos para matapos ng maaga ang pagsasara ng store. Busy busyhan ang peg ko ng marinig kong umiiyak si Liza, kausap ng aming store manager. Dahil ito palang si Liza eh nahuling sinisimplihang laptukin ang isang peykpeyk ng chicken.

Parang ganitez ang kudaan portion.

STORE MANAGER: Ano yang ginagawa mo?
LIZA: *iling iling lang habang takip ang bibig*

SM: Ano yang kinakain mo? Patay tayo jan... alam mo namang bawal yan.
Sorry pero wag ka ng pumasok bukas. YOU ARE FIRED!!! (insert KIMIDORA here)
LIZA: * this time nagstart na syang maiyak ( yung natutunan nya sa Gina Alajar School of Acting)*

SM: Bakit mo ba naman kasi ginawa yun huh?
LIZA: Eh Sher keshe shenubuken ko leng namen po tikmen kung anong lasa neng menok?
(ganyan kaarte magsalita si Liza, medyo conotic lang)


Sa narinig kong explanations ni Liza gusto kong tumawa ng bonggang bongga that moment!!!


Naknampakenambits ka talaga Liza ... naturingang taga La Consolacion si potah...
 



 HINDI ALAM KUNG ANONG LASA NG MANOK?!?!?!?!?!?!












Sunday, March 24, 2013

Robby-dabango....

Lovely Monday mga becks!!!


May I Share ang peg ko today... yung tipong kelangang kong ishare sa sangkabeckihan ang feeling ng fulfillment? Yung may butterflies sa stomach kineme... Yung tipong hindi ka maerna ng 5 days dahil ninanamnam mo yung kilig moments (yaikxz) na naka RABADABANGO-KISKISANG-ELBOW mo ang isang.......




Para maintindihan nyo ang dama ko today... paki read na lang nitez (http://thenuttythoughts.blogspot.com/2013/02/my-favorite-things-by-julie-andrews.html) uhmmmmm.... try jump sa entry number 3... Dali!!!!



Last Saturday, kahit medyo masama ang pakiramdam ko (nilalagnat kasi ang sipit-sipitan ) eh nagkita-kita ang 4 na diyosa ng MARENESS para humabol sa Grand Finals ng Kanta Pilipinas.
 At binalak din naming humabol sa quarterly finals ng PGT Season 4 but since mukhang Pilipinas Got AWA ang show eh hindi na namin nipush ang maitim na balak namin.....
HELLO!!!! Ayaw naming maging weennur out of AWA? DUH?







                                 (Ang MARENESS.... Si Toshi.Si Ocho.Si Akez. at Si Rai)




Napagdesisyunan na lang naming magcoffee that night pretending we're Sex and the City (don't worry guys,  I'm Charlotte, the one who places the most emphasis on emotional love as opposed to lust.. ahahahaha) na favorite naming 4... Hulaan nyo na lang who's Samantha Jones sa group?

Sobrang namiss namin ang bondingness ng MARENESS coz Ocho is based na sa Bacolod and si Rai naman taga Pampanga so kaming dalawa lang ni Toshi ang regularly nagkikita every weekends. Kwentuhang becky, tawanang becky, okrayang becky at kung anu-ano pang kabeckihan ang trip namin that night untill Diyosang Ocho eh nagyayang mag Bar. Honestly, hindi kami mahilig mag-bar, lalo na ako kasi may problem ako sa space, yung crowded places dahil nahihilo ako pagnakakita ako ng sobrang daming tawo, yung feeling mo ang liit liit ng mundo.... Claustrophobic ata tawag dun?
But since bihira lang lumuwas ng Meynila si Ocho eh pinagbigyan na namin ang hilig.



O-BAR (Ortigas) ang naging destination ng 4 na becks..... Around 11P.M. kami dumating, okay naman ang bar that minute kasi wala pang gaanong tawo.... and i commend the wait staffs na sobrang kegagwapong bata.... yung isa kapez ni Enchong Dee and yung isa naman kapez ni Paolo Avelino (i wonder kung magkakaroon ng NAKAKABADING NA WAIT STAFFS itong si Nyabachoi?) na sobrang angelic ng mga pez! Wala pa nga akong naiinom eh nalasing na ako kaagad...

Pwesto ang mga becks sa isang table na tapat mismo ng main door... Chillax chillax.... Sight sight ng mga dumadating na mga yuppies.

Malayo pa lang sya eh bumilis ang tibok ng sipit-sipitan ko.... Nagkumbulsyon ang lapay ko.. Nag harlem shake ang puso ko at napa Chachacha ng very hard ang alak-alakan ko ng unti-unti ko syang makitang papalapit sa pintuan ng bar.



Bigla kong natampal si Ocho dahil sa sobrang hek-soy-tod ng makita ko ng very malapitan si Robby Carmona.... Nabiro ko pa na gusto kong magpa picpak ke Robby.. kahit isang picpak lang buo na ang gabi ko....


Then came Fairy God Becky Mother!!!
Bigla akong hinatak ni Ocho ng maispatan nyang pupunta ng john's ang lolo Robby mo... Super approach ang Ocho, chika ng very lite then asked Robby kung pwede daw bang magpapicpak si akez with him!
Game naman ang lolo Robby sa pagpose....Granted ang wish ko na kahit isang picpak lang... happy na ako...






















Past 3A.M.
Medyo nagsisimula ng umikot ang ulo ko sa dami na ng tao sa loob ng bar.. hindi ako nahilo sa iniinom ko pero sa crowd.. YES!


So eto na nga, para naman maenjoy namin to the fullest eh napilitan na rin kaming makidance dance sa floor.. yung pasweet dance lang naman....

Dance dance dance.... Inom inom inom....


Nagulat na lang ako ng out of nowhere biglang sulpot ang lolo Robby mo sa likod ko.... Dance dance din sya ng very lite... He asked me to dance din and he even asked me if I saw Rajo that night...

At naganap ang isa pang picpak with him.... but this time... Sya na mismo ang nagrequest!!!!
HEAVEN ang feeling ko that moment.... kasi naman... hindi ako makapaniwala na isa sa mga ultimate crushes ko eh kasama ko that time.... Tapos "may I hug" pa talaga ang demand ko (honglondeeee) sa kanya... Buti na lang medyo tipsy na si lolo Robby kaya very madaling kausap.






Infairness.... ang ongkad ongkad ng lolo mo.... hindi ko maimagine kung keri ko kaya ang barbie doll moments with him? ahihihihi....






Sabi ko nga na hindi ako naiistar istrak sa mga local celebrities.... Pero kung si Robby Carmona.. asahan mong titigil ng 3 minuto ang galaw ng mundo ko...


Since suntok sa buwan ang magpapicpak kina Anthony Hopkins and Gary Oldman, ang next target ko eh isang picpak lang with my ULTIMATE CRUS na si.......












CHAROT LANG!!!!
















Kahit magkapitpitan ng mani.. hinding hindi ko ipagpapalit ang aking ULTIMATE CRUSH na si...









Thursday, March 21, 2013

Usapang BEER!

Naaaliw ako sa mga games sa tab ng aking housemate na si Faith. Mula sa Candy Crush, Temple Run 1&2, Angry Granny, Barbie, mga sharks at kung anu-ano pa eh dyan ko inuubos ang aking gabi.... pampalipas oras.. pampaantok....


At higit sa lahat.... yung game(s) na huhulaan yung mga logo(s) ng iba't-ibang companies all over the world....Dahil sa sobrang naadik ako eh naasar ako doon sa mga unfamiliar logos na naeencounter ko... Malay ko ba naman kasi puro mga chinese companies pala kaya skip skip ako sa pag attempt na hulaan....







Sobrang umikot talaga ang ulo ko dahil sa isang logo na pinipilit kong hulaan....


Heto po sya...... ang mahiwagang logo....





                      

Sa unang tingin "Bailey's" ang pagkakahula ko pero hindi pala....kasi nauna ko ng nasagutan ang logo ng bailey's sa level 3 or 4 ata?
So gamit ako ng hint keme ganyan... Ang clue eh isa raw syang sikat na brand ng inumin sa Germany... So pilit pa rin ako sa "bailey's" (although alam naman nating lahat na Irish brand ang bailey's at nasagot ko na nga sya sa level 3 or 4 ata yun) na isagot sa mahiwagang logo na ito pero kahit anong subok ko.... eh maling mali pa rin!



Suko ako after 3 days na pagpupumilit kaya kumatok ako kay Reynang Googleyah at heto ang sagot na ibinigay sa akin...





Totoo po ang inyong nababasa.. na ang mahiwagang logo ay walang iba kungdi.... BECK'S!!!
Sobrang dami kong tawa sa nahanap kong sagot (mga 4,201.78% lahat) mula kay Reynang Googleyah....

Kasi naman, hindi naman pala nalalayo sa pagkatao ko ang sagot.... dahil very common na tawagan na ng mga bakla ang salitang "becks"... aminin mo man sa hindi eh ginagamit mo rin yan... sa chrew????


So heto na nga.... dahil love na love ko ang word na yan eh pinaglaruan ko ang ilang mga kaibigang becks sa aking buhay....







BECK'S BEER...... Ang Inumin ng tunay na BECKY!!!
-Dahil kapag may ALAK...... May BALAK!!!!













Saktong sakto para sa mga Becky friends nyong mukhang engkanto, sigbin, undin, witawit at kung anu-ano pang uri ng lamang-lupa.










Para naman sa inyong Becky friends na medyo angat ang social status.... mga beking elite na sobrang natuwa sa kasabawan ng movieng "Sossy Problems"..... Mga becky friends na malapit ng maging Transformers dahil mukha na silang babae..... pero intact pa rin ang PENPEN medina at ang magic Balls!








Hardcore version naman ng Beck's Effem itong Beck's Effem GOLD..... Beking elite, sosyalera, mukhang Transformers pero pagnalalasing eh nagiging one of the boys na ang peg.....yung tipong umiihi na sa kahit saang madidilim na lugar..... ng nakatayo at nakataas ang pencil cut na black skirt.




















Para sa inyong mga GELAY friends na mukhang Becky!!!! Boses beki, kilos beki, pez na beki at lahat-lahat na ng kabekihan eh taglay nya ngunit ISANG GUHIT pa rin ang lamang nya dahil sya ay certified gelay....




















Kung napapalibutan ka ng mga beking taga-looban, eto ang perfect para sa kanila.... Dahil sapak na sapak ang amats nito neng.... Parang may convention ng pagiisplit+bikangkang combo ang peg once na tamaan sila ng espiritu ng Beck's Halaya..... Talagang unli-buyangyang ng kasingitan ang magaganap..... Libre silip sa mala-ube-halayang singit at kuyukot ng inyong mga beki friends....




















EEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE...... 
NO COMMENT AKO DITO!!!!!
Bwahahahahahahahahahaha......






























Tuesday, March 19, 2013

Iskolar.... isKulang?

Nais ko pong pasalamatan ng buong pusong bato ang isa sa pinaka astig na mentors ko sa pagbablog (hindi nya alam na mentor ko sya.. hehehehe) na talagang hinangaan ko at iniidolo. Hindi ko inakala na mapapadaan sya sa aking peanut butter room... Maraming maraming salamat po sa kyot na kyot at umaapaw sa fats and charms na si  Sir Mots ng Teacher's Pwet ....
( http://motsmots.blogspot.com/ )

*bear hugs*

______________________________








Isang nakakalungkot na balita ang umiikot ngayon sa apat na sulok ng bawat unibersidad.... nariyan ang kabi-kabilang pag wowalk out ng mga estudyante sa kanilang mga klase, mga protesta at iba't-ibang pakikipagdiskusyunan sa mga opisyal ng mga institusyon sanhi ng isang "aksidente" na nag-udyok sa isang iskolar ng bayan na magpakamatay dahil sa kawalan (or kakulangan?) ng pangbayad ng matrikula.





" Ang edukasyon ay isang karapatan at hindi isang pribilehiyo"....





 Isa sa mga kasabihang nagpamulat sa akin mula sa unang araw ng aking pagtungtong sa paaralan.

 
Iskolar.
Masasabing angat  sa pangkaraniwang kaisipan ang taglay mong talino ngunit hanggang saan?
Sa akademiya lamang ba nasusukat ang pagiging isang matalino? Ang pakikipagtalastasan ba sa iyong mga propesor ay pasaporte na upang maipagyabang sa buong mundo na ngumangata ka ng libro at nag-aalmusal ng diyaryo bunga ng bawat grado mong uno?
 

Iskolar ka ngang matatawag dahil kinupkop ka ng isang institusyon na nangangalaga, humubog at naglinang ng iyong angking kakayahan, sampu ng kapwa mo iskolar ng bayan ngunit matatawag bang "katalinuhan" ang isang hakbang na tatapos sa iyong mga pangarap?


IsKulang.
Kung sa loob pa lamang ng institusyon ay karuwagan at kahinaan na ng loob ang iyong taglay , kahit sabihin pang sampung libong kilay na ang nasunog mo sa pagbabasa ng bawat libro sa silid-aklatan, ay isang ilusyon lamang ang sabihing ikaw ay isang matalino.... Hindi angkop na tawagin kang iskolar.
Dahil ang tunay na pakikibaka sa buhay ay nag-uumpisa hindi lamang sa pagtanggap ng diploma.







Ako man ay biktima rin ng kahirapan... naranasan ko ring gumawa at magpapirma ng promissory note(s) kada semestre sa panahon ng aking pag-aaral sa kolehiyo.... At aminado akong dahil na rin sa kahirapang iyon ay hindi ko natapos ang aking karera... Ngunit hindi ako nagpatalo sa dagok ng kahirapan.... Pinilit kong maabot at pagsikapan kung anong posisyon meron ako sa ngayon... wala man akong maipagmamalaking diploma ngunit sapat na para sa akin na maitaguyod ko ang aking pamilya. Hindi ako iskolar... at lalong hindi ako matalino... ngunit masasabi kong hindi ako duwag na humarap sa tunay na hamon ng buhay.

Maaring maraming dahilan sa bawat kaganapan... Hindi natin alam kung alin sa mga dahilang iyon ang totoo. Ngunit para sa akin, isang kabaliwan at kahunghangan ang pagkitil sa sariling buhay dahil lamang sa isang sitwasyong kagipitan bunga ng kahirapan.
Nakapanghihinayang na isipin na ang isang munting pangarap ng isang simpleng pamilya ay natapos lamang sa ganoong paraan. 

Pero sino nga ba ang dapat sisihin? 

Ang institusyon na "nagdamot" sa iyong karapatan?

O ikaw mismo na hindi ipinaglaban kung hanggang saan susubukin ang iyong katatagan?





                               




                            

Thursday, March 14, 2013

PAPA Don't Preach.

Uber thanks kay kuya Zai ng http://simplycomplicatedzai.blogspot.com/ at nakapasyal ka na sa Peanut Butter Room...... 

Naka-set at kasado na po pala yung 2nd Outreach Event ng "THE PBO" this March.... For details paki check na lang po ang site ng PBO https://www.facebook.com/events/461737603899520/?fref=ts 

Salamat Salamat in advance....
*bear Hugs*

______________________________________________________

 NOTE: ANG POST NA ITO AY PERSONAL KONG PANANAW, OPINYON AT SALOOBIN.....
WALA PO AKONG INTENSYONG PULAAN OR HAMAKIN KUNG ANO MAN ANG NILALAMAN NG ENTRY NA ITO...









Inabangan ng lahat  sa buong mundo kung sino nga ba ang papalit at susunod sa yapak ng nagretirong Santo Papa ng Simbahang Katolika?















Ano nga ba ang nasa likod ng puting usok?



Totoo nga kayang may napili ng bagong Santo Papa sa pagsingaw ng puting usok na ire?










O baka naman nagpagkasunduan munang magkaroon ng 30 minutes na break?
Di nga naman biro ang pagpili at maghalal ng bagong Pope gamit lamang ang iyong faith at konsensya?












   Deserving din naman talaga silang mag "YOSI Break"  habang jumajamming sa song ni Wiz Khalifa na...



So what we get drunk 
So what we smoke weed 
We're just having fun 
We don't care who sees 
So what we go out 
That's how its supposed to be 
 Living young and wild and free....












Anyways..... Congratulations  sa bagong itinalagang uupo sa pinakamataas na posisyon ng Simbahang Katolika.....









Dahil sa totoo lang... mas naexcite pa akong manonood ng American Idol Season 12 kesa sa abangan ang mala "Beauty Contest" na pagpili na naganap sa Vatican.


 



For me kasi "Religion is just branded morality. And Morality can exist without names attached to it."


Again..... ang post na ito po eh SALOOBIN ko lamang....Opinyon....Nilalaman ng aking sabaw na kaisipan.....
 

Maari po kayong magreact at magcomment..... Good or Bad....
 













Friday, March 8, 2013

Mystic Road to SUCKSSES!



Tengs tengs nga po pala sa bagong tambay na si Miss Grah.

Welcome to my senses!!!


_____________________________________________


Weekends starts today.... And since hyperky ang mga yuppies ngayon dahil gimik gimik ang peg eh magpapaka hyperky na rin ako.


Watching t.v. ang isa sa mga libangan ko (bukod sa dvd marathon, magbasa ng books at mag-ganchilyo) sa gabi after a long stressful day.
Nakakarelax naman kasi kahit papaano ang panonood ng mga favorite mong telenovelas, series, mga movies (na pakenambits ni-dub sa Filipino, ang cool daw kasing ipamukha sa viewers na hindi nila naiintindihan ang Hollywood movies kaya pilit isinalin sa Filipino para nga naman sa ikabubuti ng madla) at ilang reality shows sa t.v.

So last night habang naghahanap ako ng magandang palabas sa t.v. eh kalikot ako ng kalikot sa remote, pindot dito pindot doon. Hanggang sa mapadaan sa isang local t.v. channel ang aking pagsu-surf.
Medyo halo-halong emosyon ang nafeel ko that moment, dahil hindi ko talaga matanggap kung totoo nga ba ang napapanood ko sa t.v.????
















YES! Si Mystica nga ang bumalandra sa apat na sulok ng telebisyon! At sya talaga ang host(ess) ng naturang show?!?!?!?!


Dito ko rin nalaman na ang Rock Diva ng Pinas ay isa na ring "Motivational Speaker"?????




Seryoso? Motivational Speaker talaga?
Hindi ko mapigilan ang sarili ko na tumawa... tumawa ng tumawa... as in!!! Siguro mga 6,753 lahat ng tawa ko habang nanonood ako ng t.v. show ni Mystica.




Naisip ko na sa dami ng experiences at talents ni Mystica eh hindi lang pagiging isang Motivational Speaker ang kaya nyang gawin.



Pwede din syang magmotivate ng mga tao para maging isang successful na......




~COSPLAYER  ala Maria Ozawa~







~CONCERT "ROCK" DIVA~






~ BALLROOM DANCER~







~POLE DANCER~







 ~SPLITERA NG TAON~






Pwede ka din nyang i-motivate upang maging isang mahusay na endorser ng cream na pampaputi ng maitim na kili-kili....







~MEGA ENDORSER NG ISANG MULTI-MILLION WHITENING PRODUCTS NA COMPANY~


OR maging isang mahusay na INDIE Actress?



Maari ka ring mamotivate bilang isang....





~TOP MODEL~















~KASAM-BAHAY ICON~
































~MATRONA NG MGA TEGING TAARTITS~












~PANIWALAIN ANG MGA TAO NA "IKAW" ANG MAGIGING SAGOT SA KAHIRAPAN NG BUONG MUNDO~






~MAGING SPICE GIRLS WANNABE~






~OR MAGING ISANG SIKAT NA PLAYBOY COVER GIRL?~











~AT HIGIT SA LAHAT.... MAGING ISANG TUNAY NA KAIBIGAN~





Kaya't kung naghahanap ka ng isang mahusay na taong makakapag MOTIVATE sa boring na buhay mo eh maari kang kumunsulta kay MYSTICA.... Who knows? Sya na ang sagot sa lahat ng problema mo?







HAPPY WEEKENDS MGA PEANUT BUTTER KIDS!!!!